Software
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang software na pangkompyuter o software o sopwer ay katagang tumutukoy sa kalipunan ng mga panuto, pamamaraan at dokumentasyon na may mga layuning isinasagawa sa isang sistemang pang-kompyuter.[1] Unang ginamit ang katagang ito sa ganitong kaisipan ni John W. Tukey noong 1958.[2].
Larawan ng OpenOffice.org Writer
Ilan sa kabilang rito ay:
- Ang Application software, tulad ng mga word processor, na nag-gagawad ng mga gawaing kapakipakinabang sa mga gumagamit nito.
- Ang Firmware na isang uri ng sopwer na itinatalaga sa mga kasangkapang tumatanggap ng panutos sa pamamaraang elektrikal. Naiiba ito sa ibang sopwer dahil hindi ito nabubura o nagbabago kahit na walang dumadaloy na kuryente sa kasangkapang kinapagpapalooban nito.
- Ang middleware na siyang namamahala at nagpapakilos ng mga kalat-kalat na sistemang pang-kompyuter.
- Ang mga websayt na nagbibigay kaalaman at kakayahan sa mga taga-gamit sa pamamagitan ng internet o intranet.
Ginagamit din paminsan ang katagang "sopwer" sa malawakang pagtukoy sa anumang bagay na ginagamit ng hardwer ngunit hindi nananatili rito gaya ng mga pilm, tape at mga record.[3]
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "Wordreference.com: WordNet 2.0". Princeton University, Princeton, NJ. http://www.wordreference.com/definition/software. Hinango noong 2007-08-19.
- ↑ John Tukey, 85, Statistician; Coined the Word 'Software', New York Times, Obituaries, July 28, 2000
- ↑ software..(n.d.). Dictionary.com Unabridged (v 1.1). Retrieved 2007-04-13, from Dictionary.com website: http://dictionary.reference.com/browse/software