Ang Palarong Olimpiko 2008 o Palaro ng Ika-XXIX Olimpiko sa panahon ng tag-init ay isang pandaigdigang paligsahang palaro na kinasasangkapan ng iba't ibang mga laro, na isasagawa sa Beijing, Republikang Popular ng Tsina mula Agosto 8 hanggang Agosto 24, 2008, at susundan ng Palarong Paralimpiko 2008 (panahon ng tag-init) mula Setyembre 6 hanggang Setyembre 17. Inaasahang lalahukan ito ng may mga 10,500 atleta na magsisipagtunggali sa mga 302 kaganapan sa 28 palaro, kung saan isang kaganapan ang naidagdag kung ihahambing sa orihinal na pagtatakda noong Palarong Olimpiko 2004 na ginanap sa Atenas, Gresya. Iginawad sa Beijing ang pagganap ng Palarong Olimpiko makaraan ang nakahahapong botohan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) noong Hulyo 13, 2001. Naglalaman ang opisyal na logo ng mga palaro, na pinamagatang "Sumasayaw na Beijing", ng isang ma-estilong kaligrapikong karakter na jīng (京, nangangahulugang kabisera), bilang pagtukoy sa nagpupunung-abalang lungsod. Ang limang Fuwa ay mga maskot ng Beijing 2008, kumakatawan ang bawat isa kapwa sa isang kulay ng mga Singsing ng Olimpiko at bilang isang sagisag ng kalinangang Tsino. Tinatawag ng sawikaing pang-Olimpiko, ang Isang Daigidig, Isang Pangarap, ang sandaigdigan upang magkaisa sa kaluluwa ng Olimpiko.
Si Napoleon I, na ipinanganak bilang Napoleone di Buonaparte at nakikilala rin bilang Napoleon Bonaparte (15 Agosto 1769 - 5 Mayo 1821), ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransiya, ang unang hari ng Italya, ang tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine. Ang kanyang mga nagawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa politika ng Europa sa ika-19 na siglo.
Ang mga pagguho ng lupa at bahang idinulot ng tropikal na Bagyong Erika(nakalarawan ang satelayt na imahe) ay ikinasawi ng di-bababa sa 20 katao habang tumatawid ito sa Dominica.
Ang limang bangko na inaakasuhan sa pagmamanipula sa dayuhang exchange rates ay umamin ng pagkakasala at sumasang-ayon sa multang may halaga ng mahigit US$5.7bilyon
Nabihag ng ISIS ang lungsod ng Ramadi sa Iraq at ang lungsod ng Palmyra sa Syria.
Pinangangambahang aabot sa 10,000 ang nasawi sa Intensidad 7.8 na lindol na tumama sa Nepal, ang pinakamalakas na naranasan sa bansa sa loob ng mahigit 80 taon.
Bumagsak sa bulubundukin ng Alpes na nasasakupan ng Pransiya ang Germanwings Flight 9525 na mula Barcelona, Espanya patungong Alemanya, at ikinasawi ng lahat ng 150 kataong lulan nito.