Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mau Marcelo Philippine idol.jpg

Isang Pilipinang mang-aawit si Maureen "Mau" Flores Marcelo (ipinanganak noong Mayo 13, 1980) na nakilala nang nagwagi sa Philippine Idol, na prankisa ng mga seryeng idol ng FremantleMedia at ipinalabas sa Pilipinas sa estasyong pantelebisyon na ABC. Tinagurian siyang "Soul Idol" at ang "black belter" (mambibirit) ng kompetisyon dahil sa kanyang estilong R&B sa pagkanta. Tinawag din siyang "The Diamond Diva" (Ang Diamanteng Babaeng Mang-aawit) matapos ng kanyang pagtanghal ng "Diamonds Are Forever" ni Shirley Bassey noong Linggo ng mga Temang Pampelikula at Pangmusikal na lubusang pinalakpakan ng mga manonood. Naging kilala rin siya sa bansag na Samantha Brown, hango sa apelyido ng kanyang ama. Siya rin ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Asian Idol, na ginanap sa kalagitnaan ng Disyembre 2007 sa Lungsod ng Jakarta sa Indonesia. Isang Amerikanong mamamayan mula Puerto Rico ang kanyang ama, na may dugong Aprikano at Kastila habang Pilipina ang kanyang ina. Iniwan sila ng kanyang ama noong apat na buwang gulang pa lang siya, habang namatay ang kanyang ina noong siya ay 14 na taong gulang. Mayroon siyang kapatid sa labas mula sa kanyang ina at tatlo pang kapatid sa labas mula sa kanyang ama. Madalas siya kutsyain at tuksuhin noong bata dahil sa kanyang maitim na balat, dahilan ng kanyang takot na pumasok sa paaralan.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

Pampanga Welcome Arch after 6.1 22 April 2019 Earthquake.jpg
  • Isang lindol ang yumanig sa Luzon, Pilipinas na nasa magnitud na 6.1 at matatagpuan ang episentro sa 18 kilometro (11 milya) hilagang-silangan ng Castillejos, Zambales na naganap noong 17:11 (PST). Labing-isang katao ang namatay dahil sa lindol sa mga munisipalidad ng Porac at Lubao ng lalawigan ng Pampanga at nagkaroon din ang lalawigan ng mga pinsala sa mga kalsada, tulay at gusali partikular ang Paliparang Pandaigdig ng Clark, isang supermarket at isang simbahan. (nakalarawan ang isang arko sa Pampanga na napinsala ng lindol)
  • Isang serye ng mga pagsabog ang naganap sa mga simbahan at otel sa Sri Lanka kabilang ang pang-komersyong kabisera at pinakamalaking lungsod na Colombo, na kinitil ang hindi bababa sa 300 katao at sinugatan ang mga tinatayang 500. Inihayag ng mga opisyal sa Sri Lanka na walang partikular na pangkat ang umako sa nangyarai ngunit sinasabing gawa ito ng mga masisidhing Islamiko.
  • Namatay ang apat na umatake sa hindi matagumpay na pag-atake sa isang himpilan ng pulis sa Zulfi, Saudi Arabia. May mga masinggan, bomba at mga bombang petrol ang mga umatake.
  • Labing-pitong katao ang namatay at higit sa dosena ang nawawala pagkatapos ang isang pagguho ng lupa sa munisipalidad ng Rosas, sa timog-kanlurang Colombia.
  • Sang-ayon sa mga exit poll, nanalo ang komedyanteng si Volodymyr Zelensky sa pampangulong halalan ng Ukraine at tinalo niya ang kasalukuyang Pangulo na si Petro Poroshenko sa higit na 70 bahagdan ng mga boto.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na ang Ika-10 Abenida, Caloocan pati na ang distrito ng Grace Park, Caloocan ay dating isang palapagan o airfield bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang makasaysayang lungsod ng Samarqand, Uzbekistan ay idinagdag ng UNESCO sa talaan nito ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook noong 2001 bilang Samarkand – Crossroads of Cultures?
    • ... na sa lungsod ng Magadan sa dulong-silangang Rusya, isandaang araw lamang ang panahon ng pagtubo ng mga halaman doon dahil sa maginaw na klima?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?

    Walang pang nakatala para sa araw na ito. Magdagdag?

    Ngayon ay Abril 27, 2019 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)