Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Karagatang Pasipiko

Ang Karagatang Pasipiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando Magallanes eksplorador na Portugues sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot (sea level).

Nürnberg St. Lorenz Dreikönigsaltar Geburt 01.jpg

Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.

May-akda ng larawan: Uoaei1

Michael Collins (S69-31742, restoration).jpg
  • Krisis sa Israel–Palestina: Nakipagsunduan ang Israel at Hamas para sa tigil-putukan ng hidwaan sa Gaza noong Mayo 20 matapos masawi ang halos 200 na mga tao sa loob ng 11 na araw ng pakikipagbakbakan.
  • Pumanaw ang Amerikanong astronota na si Michael Collins (nakalarawan) noong Abril 28 dahil sa sakit na kanser sa edad na 90. Siya ang nag-piloto palibot ng buwan lulan ng command module habang isinasagawa nina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ang unang paglapag sa buwan na bahagi ng programang Apollo 11 noong 1969.
  • Umabot na sa higit 1 milyong mga naitalang kaso ng COVID-19 ang Pilipinas noong Abril 26 (lunes) matapos mapabilang ang halos 8,930 na mga bagong kaso sa loob ng isang araw. Ang kabuuang bilang ay umabot na sa 1,006,428 kung saan 74,623 (7.4%) ang mga aktibong kaso at 914,952 (90.9%) ang mga gumaling. 16,853 pa lang ang mga naitalang nasawi dahil sa sakit.
  • Pumanaw si Prinsipe Philip ng Edinburgh ng Reyno Unido sa edad na 99, dalawang buwan bago ang kanyang ika-100 kaarawan sa Hunyo 10. Siya ang pinakamatagal na naglingkod bilang konsorte ng monarkiya sa Reyno Unido at kabiyak ni Elizabeth II. Matapos nito, sinimulan na ang Operation Forth Bridge bilang pag-aksyon sa kanyang pagbuburol.
  • Ipinabatid ng pamahalaan ang enhanced community quarantine (pinag-ibayong kuwarentenang pampamayanan) sa Maynila at apat na mga karatig bayan nito bilang tugon sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa Pilipinas. Kabilang dito ang curfew mula 6:00 p.m. hanggang 5:00 a.m sa loob ng isang linggo, mula Marso 29 hanggang sa Abril 4.


Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Os d'Ishango IRSNB.JPG

Mayo 23

Watawat ng Aleman

Mga huling araw: Mayo 22Mayo 21Mayo 20

Ngayon ay Mayo 23, 2021 (UTC) – Sariwain ang pahina
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)